Monday, July 4

Ilaw Ng Tahanan


Ngayon ay ika-pitumpu't-limang kaarawan ni nanay Luz, ang ilaw ng sambahayang Labrador-Bongon. Gaya ng ginagawa namin taun-taon tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, nagsagawa kami ng isang malaking family reunion. Idinaos namin ang pagdiriwang kahapon, at hindi man nakumpleto ang labing-isa niyang mga anak, matatanaw sa kislap ng kanyang mga mata at ngiti ng kanyang mga labi ang bakas ng kaligayahan.

Kung inyo lamang malalaman ang naging buhay at kapalaran ni nanay... daig nito ang kahit na anong telenobela at maalaala mo kayang kuwento ng buhay. Ngunit sa lahat ng pagkakataon ng kanyang mga pagsubok at paghihirap, higit pa sa sipag at tiyaga ang kinailangan niya upang matagumpay na maitaguyod ang kanyang sambahayan... naging mapanalangin siya, ni isang saglit ay hindi niya nalimutang humingi ng tulong at magbigay pasasalamat sa dakilang Ama. Hindi man sila naging mayaman sa materyal na bagay, naging mayaman ang kanyang mga anak sa mga wastong aral at pamumuhay, maayos ang kanilang kalagayan ngayon sa buhay... at dahil iyon sa lubos niyang pagtitiwala at pananalig sa magagawa ng Buong Maykapal.

Sa inyong ika-pitumpu't-limang kaarawan... maligayang bati po 'nay!


mood: jubilant

0 whispers in the wind:

Post a Comment

<< Home