Monday, September 26

Mga Usapang Biboy I

Ate yang: "Bibs alin ang masmahirap tugtugin... violin o piano?"
Bibs: "Hmm... violin."
Ate yang: "Eh alin ang masmasarap tugtugin?"
Bibs: "Hmm... violin."
Ate yang: "Alin ang masmaganda pakinggan?"
Bibs: "violin!"
Ate yang: "Eh 'di gusto mo nang maging violinist? Ayaw mo ba maging doktor?
Bibs: Yoko. Ayoko nga ng mga trabahong nakakamatay. Kasi pag naging doktor ako, mamaya mapatay ko yung pasyente ko. Yoko rin maging piloto, kasi baka mamaya bumagsak yung eroplano ko.... Yoko rin maging bumbero, mamaya masunog ako! violinista na nga lang, di ba malaki naman sahod nun?"

hwehe.

-+--'=:!O!:='--+-

(last summer sa hospital, phone conversation...)
Mama: "Hi bibs kamusta kayo dyan?"
Bibs: "ayos lang."
Mama: "'Di mo ba ako kakamustahin?"
Bibs: "O cge kamusta ka?"
Mama: "Bibs baka malapit na raw akong mabulag..." (nagpapalambing)
Bibs: "Kailan?"

yan ang clueless kong kapatid na nabubuhay sa mundo ng cartoon network.

-+--'=:!O!:='--+-


pwede na bang pang-commercial? =)

mood: amused

3 whispers in the wind:

Anonymous Anonymous whispered...

grabe natawa ako dun. worth sharing. hehe -angel

26/9/05 9:31 AM  
Blogger armikatrina whispered...

ahehehe

28/9/05 10:26 PM  
Blogger Hannah Grace whispered...

hehe. oo nga naman sino gustong magkatrabaho na nakakamatay?

10/10/05 12:18 PM  

Post a Comment

<< Home